DOJ Sec. Remulla, nagpaliwanag kung bakit 6 na Chinese illegal POGO workers lamang ang na-deport ngayong araw

Nagpaliwanag si Justice Sec. Crispin “Boying” Remulla kung bakit anim na Chinese illegal POGO workers lamang ang naipa-deport ngayong araw.

Ayon kay Remulla, mabusisi ang proseso ng deportation at dapat ding matiyak na na-verify sa China ang record ng mga ito.

Ito ay para hindi aniya maibalik sa Pilipinas ang mga ito.


Kinumpirma ng kalihim na nasa mahigit 40,000 ang illegal POGO workers sa bansa.

Mula aniya ito sa 200 illegal POGO companies sa bansa.

Kinumpirma rin ni Remulla na 25 pang Chinese illegal POGO workers ang sunod nilang ipade-deport.

Habang may mahigit 100 pa aniyang mga Chinese ang nasa hotel ngayon sa Pampanga.

Facebook Comments