DOJ Sec. Remulla, naniniwalang dapat nang pag-aralan ang mga kontrata sa reclamation projects

Naniniwala si Justice Secretary Crispin Remulla na panahon para pag-aralan ng pamahalaan ang mga batayan sa lahat ng mga kontrata sa reclamation projects sa bansa gaya sa Manila Bay.

Ayon kay Remulla, isa sa mga dapat pag-aralan ang dulot na pagbaha ng mga reklamasyon at ang epekto ng mga proyekto sa kabuuan sa buhay ng publiko at sa buong Metro Manila.

Nais din ng kalihim na makita ang integrated plans sa lahat ng reclamation projects upang malaman kung hanggang kailan o hanggang saan ito.


Dagdag pa ni Remulla, sakaling maging maayos at matapos ang reclamation project, ano na ang mangyayari sa mga daluyan ng tubig kung ito ba ay magtutuloy-tuloy o magiging sanhi na rin ito ng pagbaha kung uulan.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na plano niyang kausapin si Environment Secretary Antonia Loyzaga ukol sa nasabing isyu.

Facebook Comments