Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na sasailalim sa sampung araw na wellness leave si Sec. Jesus Crispin Remulla.
Ito’y dahil sa personal na kadahilanan kung saan epektibo ang leave ng kalihim simula ngayong araw.
Kaugnay nito, hiniling ng kagawaran ang privacy ni Remulla kasabay ng pangako sa publiko na magiging maayos pa rin ang trabaho ng DOJ.
Ang lahat naman ng mga opisyal at empleyado ay magpapatuloy rin sa kanilang mga mandato upang maging maayos ang trabaho sa DOJ habang naka-leave si Remulla.
Sinisiguro rin ng DOJ na mananatili ang kanilang responsibilidad at mapangalagaan ang karapatan ng bawat isa.
Wala namang partikular na binanggit ang DOJ kung ano-ano ang personal reasons ni Remulla habang si Justice Usec. Raul Vasquez ang tatayong officer in charge o OIC habang naka-leave ang kalihim.