Doj Secreatary Vitaliano Aguirre – Nagpatutsada Kay De Lima

3

MANILA – Hindi basta gawa-gawa lang ang pagkakadawit nina Senators Leila De Lima at Antonio Trillanes IV sa nangyaring saksakn sa New Bilibid Prison (NBP) noong Setyembre.Pero paglilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, hindi siya ang nag-utos na idawit sa isyu ang dalawang senador.Aniya, ito ay base na rin sa sinumpaang salaysay ng high-profile inmate na si Tomas Doniña na siyang umaming sumaksak kay Jaybee Sebastian.Giit pa nito, hindi niya inimbento ang testimonyang nagtuturo sa kay De Lima at Trillanes dahil malinaw na nakasaad sa affidavit ang pangalan ng dalawa.Pumalag din si Aguirre sa pagtawag sa kanyang “despicable lying bastard” ni De Lima.

Facebook Comments