DOJ Secretary Aguirre, isasama sa senatorial slate ng PDP-Laban sa 2019

Manila, Philippines – Kakausapin ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Pangulong Duterte para isama si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa senatorial slate ng PDP-Laban sa 2019.

Mismong si Alvarez ang nagsabi na gusto niyang mapasama sa senatoriables ng PDP-Laban si Aguirre at nakahanda siyang suportahan ito.

Tiwala ang Speaker na makakatulong ang kalihim para maging mabilis ang pagpapasa ng batas sa Senado na kanya namang tinatawag na “Mabagal na Kapulungan.”


Binanggit pa ng Speaker na sa mahigit isang daang panukala na naaprubahan ng Kamara at iniendorso sa Senado noong first regular session ay sampu lamang dito ang naging ganap na batas dahil hindi agad naaksyunan ng Senado.

Nauna rito, isinama din ni Alvarez sa gusto nyang senatoriables sina Presidential Spokesman Harry Roque at Asec Mocha Uson, Congs. Albee Benitez, Karlo Alexei Nograles at Geraldine Roman pati si Presidential Political Adviser Francis Tolentino.

Facebook Comments