
Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang reklamo sa kaniya na isinampa ni Senator Imee Marcos.
Kaugnay ito sa pagpapa-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdadala sa kaniya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Lumabas sa resulta ng pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na may naging paglabag umano sa naging pagpapa-aresto sa dating pangulo.
Dahil dito, inireklamo si Remulla ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of public service.
Isa si Remulla sa naghain ng aplikasyon sa pagka-Ombudsman matapos magretiro si dating Ombudsman Samuel Martires noong July 27.
Pero una nang sinabi ng Korte Suprema na kailangang magkaroon muna ng clearance ng mga aplikante para maging kwalipikado sa pagpipilian ng pangulo bilang susunod na Ombudsman.









