Manila, Philippines – Patung-patong na kaso ang isinampa ng kampo ni Senador Leila Delima laban kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II dahil sa ipinakalat umano nitong mga fake news laban sa senadora at ilang mga mambabatas at dating mga gabinete ni dating pangulong Noynoy Aquino tungkol sa presensya ng mga nabanggit bago ang kaguluhan sa Marawi City.
Kasong kriminal at administratibo ang kasong isinampa ng kampi ni Delima sa Ombudsman.
Nararapat lamang umanong sampahan ng gross negligence and incompetence si Aguirre dahil sa mga kapalpakan ng kalihim gaya ng usapin sa pag-iimbestiga ng Extra Judicial Killings at kontrobersyal na iskandalo sa suhulan di umano sa Bureau of Immigration at mga pekeng mga ebidensiya umano laban kay Delima at mga mambabatas.
Matatandaan na kamakailan lamang nagsampa rin ang Youth Millinial ng kaso laban kay Aguirre dahil sa mga fake news na ipinakalat nito sa Media laban kina Senador Antonio Trillanes IV, Senator Bam Aquino at ibang mga kongresista na nasa Marawi umano ang mga ito nagpulong bago nangyari ang kaguluhan.
Inalmahan naman ni Senador Aquino at Trillanes ang ibinulgar ni Aguirre dahil isa umano itong iresponsable pahayag na isa pa naman umanong kalihim ng DOJ na dapat ay kagalang-galang ang mga binibitiwan nitong salita sa publiko.