DOJ, sinampahan ng money laundering case ang 5 RCBC officials

Sinampahan ng kasong money laundering ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court ang limang opisyal ng Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC Bank.

Kaugnay ito ng pagnanakaw ng nasa $81 million na halaga ng pera mula sa Bank of Bangladesh noong 2016.

Kabilang sa kinasuhan ay sina RCBC Retail Banking Group  Executives Raul Victor Tan, National Sales Director Ismael Reyes, Regional Sales Director Brigitte Capiña, Customer Service head Romualdo Agarrado at Senior Customer Relationship Angela Ruth Torres.


Batay sa resolusyon ng DOJ, nagkaroon ang limang opisyal ng kapabayaan sa kanilang trabaho.

Ayon kay DOJ Spokesperson Undersecretary Mark Perete, ibinasura rin ng kagawaran ang motions for reconsideration ng limang respondents dahil naging instrumento sila sa paghawak sa apat na mga accounts kung saan ipinasok ang ninakaw na pera mula sa Bangladesh bank.

Aniya, pinabayaan lamang ng mga opisyal na magtuloy ang transaksyon kahit nakitaan na ng red flags.

Facebook Comments