DOJ, suportado ang pagkakaroon ng transparency sa vaccine deals

Naghayag ng suporta ang Department of Justice (DOJ) para sa transparency sa pagbili ng gobyerno ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng DOJ matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring isiwalat ang buong detalye ng mga kasunduan sa pharmaceutical firms dahil sa confidentiality at non-disclosure agreements.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mayroong magandang dahilan para sa non-disclosure tulad ng price competition, distribution channels at iba pa.


Naniniwala si Guevarra na ang absolute transparency ay kailangan para sa safety at efficacy ng mga bakuna dahil nakasalalay rito ang buhay ng mga tao.

Facebook Comments