DOJ Task Force Against Corruption, bukas sa alok na tulong ng Blue Ribbon Committee

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na bukas ang DOJ Task Force Against Corruption sa alok ng Blue Ribbon Committee na tumulong sa kanilang imbestigasyon kung kinakailangan.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ni Sec. Guevarra na umaabot na sa 144 na reklamo ang natanggap ng task force.

Ayon pa sa kalihim,magpapatuloy ang paglawak ng imbestigasyon ng task force lalo na kapag natanggap na nila ang resulta ng pagsisiyasat ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa ilang miyembro ng Kamara na sinasabing sangkot sa mga maanomalyang proyekto.


Partikular na nakatanggap ng maraming reklamo ng katiwalian ang task force laban sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba’t ibang rehiyon.

Kasama rin sa pagbabasehan ng imbestigasyon ng task force ang expose’ ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ.

Facebook Comments