Maaari nang magpadala ang publiko ng kanilang reklamo at sumbong ng korapsyon sa task force na pinangungunahan ng Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, gagamitin ng operations center ng task force ang DOJ Action Center (DOJAC) para tumanggap ng reklamo at tip hinggil sa anumang corrupt activities sa pamahalaan.
Maaaring makipag-ugnayan sa DOJAC sa pamamagitan ng email dojac@doj.gov.ph o sa hotline 852-129-30
Sinabi ni Villar na mayroong case evaluation committee na siyang magsasala ng lahat ng impormasyon at sumbong subalit wala pang naitatalangang pinuno sa komite.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na pangunahan ang task force na siyang mag-iimbestiga sa mga korapsyon sa pamahalaan.