DOJ Team na mag-iimbestiga sa P15-billion PhilHealth anomaly, nag-convene na

Isinasapinal na ng Department of Justice (DOJ) ang mga estratehiya na gagamitin ng binuong task force na mag-iimbestiga sa anomalya sa PhilHealth.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nag-convene na ang team ng DOJ para ilatag sa task force ang kanilang mga plano sa gagawing imbestigasyon sa PhilHealth.

Tiniyak ng Kalihim na personal niyang tututukan ang imbestigasyon ng task force para matiyak na maayos ang koordinasyon nito sa mga ahensyang katuwang ng gobyerno sa isinasagawa nitong imbestigasyon.


Una na ring nanawagan si Secretary Guevarra sa mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa anomalya na kusa nang maghain ng kanilang leave of absence.

Iginiit pa ng Kalihim na idineklara na rin naman ng National Privacy Commission na hindi maaaring gamitin ang Data Privacy Act para maantala ang isang lehitimong imbestigasyon.

Facebook Comments