DOJ, tiniyak ang mabilis na paglilitis sa 9 Sulu police

Magiging mabilis para sa government prosecutors ang paglilitis sa siyam na pulis na nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa apat na Army intelligence officers sa Jolo, Sulu nitong Hunyo.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, mamadaliin ang trial sa Jolo case para makamit ang hustisya sa mga napaslang na sundalo.

Inaasahang ilalabas ng DOJ investigating prosecutors ngayong buwan ang kanilang resolution sa kasong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Hulyo para sa pagpatay sa mga sundalong sina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco Jr., and Corporal Abdal Asula.


Kabilang sa mga respondents ay sina:

  • Police Senior Master Sergeant Abelzhimar Padjiri
  • Police Master Sergeant Hannie Baddiri
  • Police Staff Sergeant Iskandar Susulan
  • Police Staff Sergeant Erniskar Sappal
  • Police Corporal Sulki Andaki
  • Police Patrolman Moh Nur Pasani

Kasama rin sina Police Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin, Police Patrolman Alkajal Mandangan at Police Patrolman Rajiv Putalan.

Inirekomenda naman ng NBI ang paghahain ng Neglect of Duty laban kina Sulu Police Provincial Director Police Col. Michael Bayawan Jr., PDEU-Sulu Chief Police Capt. Ariel Corcino at Jolo Municipal Police Station Chief Police Major Walter Annayo.

Facebook Comments