DOJ, tiniyak ang patas na imbestigasyon sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang patas na imbestigasyon na gagawin ng Department of Justice (DOJ) sa reklamo laban kay Senador Koko Pimentel.

Ayon kay Sec. Guevarra, matagal na nilang hinihintay ang paghahain ng kahalintulad na reklamo.

Tiniyak din ni Sec. Guevarra na agad nilang itatakda ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamo ni Atty. Rico Quicho laban kay pimentel kapag natapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Si Pimentel ay sinampahan ng reklamo sa Department of Justice laban ni Atty. Quicho kasunod ng sinasabing paglabag nito sa self-quarantine protocols nang magtungo sa Makati Medical Center kasama ang asawang nagdadalantao sa kabila nang siya ay positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Atty. Quicho na bunga nito, nalagay sa peligro ang publiko lalo na ang health workers sa MMC na nag-asikaso sa mag-asawa sa ospital.

Facebook Comments