DOJ, tiniyak na agad na magpapalabas ng subpoena laban sa mga pulis na nakapatay sa intel officers ng army sa Sulu

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors na agad silang magpapalabas ng subpoena laban sa mga pulis na nakapatay sa intelligence officers ng Philippine Army sa Jolo, Sulu.

Layon na masimulan agad ang imbestigasyon sa kasong four counts ng murder at planting of evidence laban sa naturang mga pulis.

Kabilang din sa ipapatawag ng DOJ sina Police Col. Michael Bawayan Jr., Police Major Walter Anayo at Police Capt. Ariel Corcino.


Sila ay sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng hiwalay na kasong administratibo o kasong neglect of duty sa ilalim ng doctrina ng Command of Responsibility.

Magugunitang noong June 29, 2020, nasa operation laban sa suicide bombers ang militar nang maganap ang pamamaril ng mga pulis sa mga sundalo.

Facebook Comments