DOJ, tiniyak na isusumite sa UNHRC ang report hinggil sa drug related deaths

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na ipapasa sa katapusan ng buwan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang report na may kinalaman sa 5,000 anti-illegal drugs operations.

Sa 44th Session ng UNHRC nitong June 30, iniulat ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bumuo ang Pilipinas ng inter-agency panel na nagsasagawa ng review sa 5,655 anti-illegal drug operations kung saan nagkaroon ng patayan.

Pero aminado si Guevarra na nakaapekto ang pandemya sa pagbusisi ng mga kaso mula sa iba’t ibang field stations ng law enforcement agencies.


“This review mechanism will not only reinforce accountability on the drug campaign, it will tighten the web on existing mechanisms to prevent cases of impunity, including the inter-agency committee on the extralegal killings, enforced disappearances, torture and other grave violations to life, liberty and security of persons,” sabi ni Guevarra.

Ang Commission on Human Rights ay kasama rin sa review mechanism bilang independent monitoring body.

Obligado ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng motu propio investigations kahit mayroon o walang reklamo sa law enforcement operations.

Ang inter-agency panel ay makikipag-ugnayan din sa mga apektadong pamilya at magbibigay sa kanila ng legal options at tulong para sa criminal prosecution ng mga law enforcers na lumagpas sa legal bounds ng kanilang operasyon.

Facebook Comments