Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na gagawin nila ang naaayon sa batas sakaling hilingin ng estados unidos ang extradition ng religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos na ilagay si Quiboloy sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation dahil sa kasong sex trafficking at cash smuggling sa US.
Ayon sa DOJ, bagama’t wala pa silang natatanggap sa ngayon na extradition request ay makikipagtulungan sila sa US sa kabila ng pagiging malapit ni Quiboloy kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi naman ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi na kailangan dito na mamagitan ng pangulo.
Handa aniya nilang harapin ang extradition case at sagutin sa korte ang mga kaso na isinampa laban sa Kingdom of Jesus Christ Founder.