Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mananagot ang lahat ng sangkot sa kaso ng iligal na pagkakalabas ng high profile inmate na si Jad Dera sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Facility.
Ito ay kaugnay sa natuklasang halos pitong beses na umanong naglabas pasok ni Dera sa kulungan ng NBI kahit na wala itong clearance mula sa korte.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, may ilang opisyal ang mapaparusahan kapag natapos na ang imbestigasyon.
Naniniwala si Clavano na hindi naman gagalaw ang mga nasa mababang posisyon kung walang utos o basbas mula sa mas mataas sa kanila.
Facebook Comments