DOJ, tiniyak na mapaparusahan ang mga pulis na mapapatunayang nagmalabis sa kanilang kapangyarihan

Kasunod nang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa pagkamatay ng ilang indibidwal at sibilyan sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Philippine National Police (PNP), tiniyak ni Justice Usec. Adrian Sugay na lalabas ang katotohan dito at mapapanagot ang tunay na may sala.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Usec. Sugay na base sa kanilang initial findings, may ilang mga kaso talaga na hindi nasunod sa tamang proseso o police protocols sa mga anti-illegal drug operations ng Pambansang Pulisya.

Sakaling mapatunayang may paglabag, bukod sa administrative liability, ang Internal Affairs Service na ng PNP ang bahala at pwede rin silang maharap sa kasong kriminal.


Aniya, depende sa bigat ng parusa ang ipapataw ng korte na posibleng demotion, suspension, pagkatanggal sa serbisyo at kasong murder o homicide ang kanilang kakaharapin.

Matatandaang una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na ituloy ang imbestigasyon sa mga namatay sa resulta ng mga anti-illegal drug operations ng PNP.

Facebook Comments