DOJ, tiniyak na marami pang individual ang mapapanagot sa anomalya sa PhilHealth

Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga anomalya sa Philippine Heath Insurance Corporation (PhilHealth) ay mas marami pang indibidwal ang mapapanagot dahil sa pagkakadawit nila sa tiwaling aktibidad sa ahensya.

Ito ang pagtitiyak ng DOJ matapos ihayag ng ilang mambabatas ang kanilang pagkadismaya sa inilabas na rekomendasyon ng Task Force PhilHealth kung saan hindi kasama si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal na masasampahan ng reklamo.

Paglilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang kanilang report na ipinasa kay Pangulong Rodrigo Duterte ay initial findings lamang.


Aniya, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon na ikinakasa ng composite teams at inaasahang marami pang tao ang maaaring makasuhan.

Nabatid na aabot sa 177-pahinang report ang isinumite ng Task Force PhilHealth kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments