DOJ, tiniyak na nasa maayos na kalagayan si Sec. Remulla

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mas mabuti na ngayon ang kalagayan ni Justice Secretary Crispin Remulla.

Ipinaliwanag ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez na ito ay dahil nakatutok na talaga si Remulla sa pangangalaga sa kaniyang kalusugan.

Nabatid na buwan ng Marso ng huling nakita o pumasok sa kaniyang opisina si Remulla matapos itong na-ospital at sumalang sa iba’t ibang diagnosis para sa kaniyang sakit na hindi na tinukoy sa publiko.


Marami naman ang nagulat sa malaking pagbabago ng hitsura ni Remulla matapos lumantad sa publiko at nagtungo sa Malacañang kahapon.

Nabatid na dumating sa DOJ ang kalihim at agad na dumiretso sa kaniyang opisina at hindi muna nagbigay ng anumang pahayag sa mga mamamahayag sa nag-abang sa kaniya.

Nagtungo si Remulla sa DOJ para makibahagi sa signing ng Declaration of Cooperation sa pagitan ng University of the Philippines (UP) Manila, United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at ng DOJ.

Facebook Comments