DOJ, tiwalang hindi pa nakakalabas ng bansa si Mayor Alice Guo

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na hindi pa nakakalabas sa bansa ang suspendidong si Bamban Mayor Alice Guo.

Sa kabila ito ng kaniyang hindi pagsipot sa mga pagdinig sa Senado kaugnay sa operasyon ng mga iligal na POGO sa bansa at matapos siyang sampahan ng kasong may kaugnayan sa human trafficking.

Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Ty ng Inter Agency Council Against Trafficking, kailangan ni Guo na makakuha muna ng travel authority bago payagang makalabas ng bansa.


Patuloy pa rin aniyang umiiral ang Immigration Lookout Bulletin Order laban sa alkalde at mga kapwa nitong akusado kung saan aalertuhin ang DOJ sakaling magtangka silang lumabas ng Pilipinas.

Kahapon, bigong magsumite ng counter-affidavit ang kampo ni Guo kaya dedesisyunan na ng korte ang kasong kinasasangkutan nito.

Facebook Comments