
Tiwala si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na kaya ng Department of Justice (DOJ) na tumayo sa Korte Suprema para ipagtanggol ang naging desisyon ng gobyerno na i-surrender sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag na ito ng Kalihim ay bunsod na rin ng ginawang pagtanggi ni Solicitor General Menardo Guevarra na huwag hawakan ang Petition for Hebeas Corpus na isinampa ng magkakapatid na Duterte.
Ayon kay Remulla, mas maraming magagaling na abogado ang DOJ kumpara sa Office of the Solicitor General.
Ayaw na rin makipagtalo ng DOJ kung ano ang motibo ng Solgen sa pag-atras nito dahil mas kailangan daw nila na tutukan ang kanilang magiging argumento.
Giit pa ni Remulla, malakas ang laban ng gobyerno laban sa petisyon at naniniwala siya na tama lamang ang ginawang desisyon ng pamahalaan sa kaso ng dating Pangulong Duterte.