DOJ, tiwalang kayang resolbahin ng PhilHealth ang upcasing sa COVID-19 claims

70

Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na mahigpit na babantayan ng kasalukuyang liderato ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang “upcasing” o overpayment ng health claims na may kinalaman sa COVID-19.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kasalukuyang sinisilip na ng PhilHealth ang mga bagong insidente ng upcasing sa COVID claims.

Aniya, kakayanin ni PhilHealth President Dante Gierran na hawakan ang imbestigasyon nito.


Gayumpaman, handa ang DOJ na magbigay ng assistance kung kinakailangan.

Facebook Comments