
Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na hindi pa lumalabas ng bansa ang negosyanteng si Atong Ang, na wanted sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, batay sa nakalap nilang impormasyon, tiwala siyang nasa Pilipinas pa rin si Ang.
May indikasyon aniya na nananatili si Ang sa bansa habang nakikipagtulungan ang pamahalaan sa mga awtoridad sa ibang bansa kung saan pinaniniwalaang nagtatago ito.
Tiniyak din ng kalihim na ginagawa ng DOJ ang lahat ng paraan upang matunton at madakip si Ang.
Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa mga korte sa Lipa City, Batangas, at Sta. Cruz, Laguna.
Facebook Comments










