DOJ, tuloy ang pagkuha ng 1,000 bagong tauhan para sa BuCor

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na tuloy ang pagkuha nila ng 1,000 na mga tauhan na ilalagay sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ang kukuning 1,000 corrections officer ay bukod pa sa 137 non-uniformed personnel.

Layon nitong palakasin pa ang pwersa ng BuCor sa buong bansa.


Mananatili naman hanggang sa November 18, 2022 ang one-stop-shop recruitment booth ng BuCor sa national headquarters nito sa Muntinlupa City.

Una nang inilagay sa preventive suspension ang 50 tauhan ng BuCor na identified kay suspended BuCor Director General Gerald Bantag.

Facebook Comments