DOJ, tumangging maglabas agad ng lookout bulletin laban kay Quiboloy

Tumanggi ang Department of Justice (DOJ) na maglabas agad ng Immigration lookout bulletin order (ILBO) laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, kailangan munang magsagawa ng preliminary investigation bago maghain ng ILBO.

Isa aniyang mapanganib na precedent kung mag-iisyu ng lookout bulletin na hindi pa naman pormal na naiimbistigahan ang isang indibidwal o wala pang kaso sa korte.


Dahil dito, hindi dapat magpadalos-dalos ang DOJ at dapat maging maingat sa pagpapalabas ng lookout bulletin order.

Dagdag pa ni Clavano, mahalaga na hindi matapakan ang karapatan ng indibidwal kahit maituturing na pang-monitoring lamang sa galaw ng tao ang lookout bulletin.

Facebook Comments