DOJ, tumangging tukuyin kung saan ikukulong si Teves; kaligtasan ng dating kongresista, prayoridad ng pamahalaan

Tumanggi ang Department of Justice (DOJ) na tukuyin kung saan dadalhin o pansamantalang ide-detain si dating Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr., sa oras na maibalik ito sa Pilipinas.

Bandang alas-4:00 ng hapon kahapon nang maaresto si Teves habang naglalaro ng golf sa Top Golf Driving Range and Bar sa Timor Leste.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, prayoridad aniya ng pamahalaan ang kaligtasan ni Teves.


Kailangan aniya nilang matiyak na ligtas ito para maharap nito ang lahat ng kasong isinampa sa korte laban dito.

Gayunpaman, sinabi ni Clavano na posibleng i-detain si Teves sa Kampo Krame o sa National Bureau of Investigation Detention Facility.

Samantala, bukod kay Teves, tuloy-tuloy rin ang manhunt operation sa iba pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Facebook Comments