DOJ, tumatanggi pa rin na tukuyin si Cong. Teves ang mastermind sa Degamo slay

Hindi pa rin direktang makumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla kung si Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves ang utak sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sinabi ito ni Remulla kasunod ng pagsuko ng isa pang suspek sa pagpatay kay Degamo.

Ayon Remulla, ang masasabi lang niya sa ngayon ay lumilinaw na kung may kinalaman si Teves sa krimen.


Tumanggi rin ang kalihim na isapubliko ang iba pang detalye sa posibleng partisipasyon ni Teves sa kaso.

Facebook Comments