Tumutol ang Department of Justice (DOJ) sa panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “no vaccine, no subsidy” para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps ay nararapat lang na makatanggap ng cash transfer.
Pero kailangan itong tumupad sa mga kondisyon sa ilalim ng batas.
Dagdag pa na kalihim, batay sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, hindi bahagi ang vaccination cards sa mandatory requirement para sa anumang transaksiyon sa gobyerno.
Maliban kay Guevarra, nagkakaisa ngayon ang ilang aspirants sa pagkapangulo para tutulan ang “no vaccine, no subsidy” ng DILG.
Kabilang dito si Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, Vice President Leni Robredo, dating Senator Bongbong Marcos at Ka Leody De Guzman.