MANILA – Umaasa ang Dept. of Justice (DOJ) na makikipagtulungan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa imbestigasyon sa drug trade matapos ang babala ni P-Duterte.Naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre, na makakatulong ang mensahe ng Pangulo para mapabilis ang koordinasyon ng National Bureau of Investigation sa AMLC.Ang NBI ay nag-iimbestiga sa mga bank records ng pinaghihinalaang protektor at myembro ng sindikato ng droga.Ayon kay Aguirre, dahil naihain na rin ng NBI ang reklamo sa DOJ kaugnay sa pagkakasangkot ni Sen. Leila De Lima sa kalakaran ng droga sa bilibid, wala nang dahilan ang AMLC para hindi ibigay ang impormasyon na hinihingi ng NBI.
Facebook Comments