DOJ, umalma sa panukalang independent commission sa war on drugs

Hindi kumporme si Justice Secretary Crispin Remulla sa mga panukala na independent commission para imbestigahan ang mga pagpaslang sa giyera kontra droga.

Sinabi ni Remulla na may kakayanan ang pamahalaan at gumagana ang mga sistema ng hustisya sa bansa.

Binigyang-diin pa ni Remulla na transparent ang administrasyong Marcos sa imbestigasyon nito sa drug war killings.


Aminado si Remulla na hindi positibo ang tingin niya sa nasabing komisyon na marami nang nagpanukala sa kaniya dahil wala ring napala mula sa mga ito.

Inihalimbawa ng kalihim ang komisyon na nilikha para imbestigahan ng pagpatay kay dating Senador Ninoy Aquino.

Facebook Comments