DOJ, wala pang balak kasuhan si COMELEC Chairman Andres Bautista

Manila, Philippines – Hindi muna magsasampa ang Justice Department ng ano mang kaso laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Kaugnay ito ng sinasabing ill-gotten wealth ni Bautista na naunang ibinunyag ng kanyang asawa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaari lamang sampahan ng kaso si Bautista kapag nagbitiw na ito sa pwesto.


Sa ngayon aniya kasi, impeachment case lamang ang maaaring isampa laban kay Bautista dahil siya ay impeachable official na may immunity from suit.

Facebook Comments