
Hindi pa natatanggap ng Department of Justice (DOJ) ang opisyal na kopya ng ikatlong warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Sa kabila nito, kinumpirma ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na inilabas na ng San Pablo Regional Trial Court (RTC) Branch 29 ang huling warrant kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Gayunman, sinabi ni Martinez na wala pang natatanggap na kopya nito ang panel of prosecutors, maging ang kaukulang utos para sa paglalabas nito.
Sa ngayon, patuloy na tinutugis si Ang, na itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabungero ilang taon na ang nakalipas.
Bukod sa kaso sa San Pablo RTC, nahaharap din siya sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa mga korte sa Lipa City, Batangas, at Sta. Cruz, Laguna.










