DOJ, wala pang natatanggap na pormal na hiling mula sa Indonesian government kaugnay sa hiling na ‘palit ulo’

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na wala pa silang official request na natatanggap mula sa gobyerno ng Indonesia kaugnay sa sinasabing ‘palit ulo’ na hinihiling.

Ito ay matapos maaresto kahapon si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa naturang bansa.

Ayon kay DOJ Undersecretary Mico Clavano, sa Indonesian media lamang nila nalaman na may ganitong kagustuhan ang kanilang gobyerno.


Samantala, kinumpirma rin ni Clavano na pababalikin na ng Pilipinas mamaya si Guo.

Pero sabi ni Clavano, daraan sa tamang proseso kung kaninong kustodiya mapupunta si Guo gaya ng nangyari sa kaniyang sinasabing kapatid na si Sheila Guo.

Sa ngayon, nasa Indonesia na ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Immigration (BI).

Facebook Comments