
Wala pang pahayag ang Department of Justice kaugnay sa sinasabing pagbibitiw ni Undersecretary Jojo Cadiz.
Si Cadiz ay isa sa mga idinadawit sa isyu ng maanomalyang flood control projects at umano’y “bagman” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa siyang natatanggap na opisyal na komunikasyon hinggil sa sinasabing pagbibitiw.
Bago pa ang anunsiyo ng Palasyo kanina, isang linggong naka-leave si Cadiz mula November 21 hanggang November 28.
Una nang sinabi ni DOJ Acting Secretary Eric Vida na hindi na iimbestigahan si Cadiz dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon.
Wala pa ring pahayag si Cadiz kaugnay sa mga ibinabatong alegasyon sa kaniya.
Facebook Comments









