DOJ, walang natanggap na pormal na request sa Indonesia ukol sa umano’y “palit-ulo” kaugnay sa pagturn-over kay Alice Guo sa mga otoridad ng Pilipinas

Nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang natanggap ang Pilipinas na pormal na request mula sa Indonesia hinggil sa “palit-ulo” o prisoner swap para sa pagpapabalik sa Pilipinas kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na may Chinese name na si Guo Hua Ping.

Sinabi ito ni Remulla sa budget hearing ng Kamara ngayong nakabalik na sa Pilipinas ang puganteng si Guo.

Una kasing lumabas ang balita na nais ng Indonesian authorities na isuko muna natin sa kanila ang drug lord na si Gregor Haas na nahuli sa Cebu kapalit ni Guo.


Sa budget hearing ay ipinaliwanag ni Remulla na ang prisoner swap ay hindi basta-basta naisasagawa.

Ayon kay Remulla, ang ganitong proseso ay pinapangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at kailangan ng permiso ng permiso sa legal system ng Indonesia at sa panig ng Pilipinas, dapat ding may pahintulot ito ng pangulo at maaaring pati ng Kongreso.

Facebook Comments