DOJ: Witness protection program, malaking tulong sa pag-usad sa mga kaso

Siniguro ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang kanilang pagbibigay ng hustisya kasabay ng paggawad ng proteksyon sa mga tumatayong testigo sa mga kaso sa ilalim ng witness protection program.

Kasabay ito ng pagbati ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Witness Protection, Security and Benefit Program ng kagawaran na nahigitan ang tungkulin para sa matagumpay na prosekusyon ng mga kaso.

Nakakuha ng 95.65 percent na achievement rating ang programa para sa taong 2023 na mas mataas mula sa target na 84.80%.


Ipinagmalaki rin ng DOJ na isandaang porsyento ang pag-proseso sa mga aplikasyon para sa witness coverage kung saan walang nangyaring mga untoward incidents.

Sabi ni Kalihim Remulla, malaking bagay ang ginagawa ng programa para matiyak na gumugulong ang katarungan sa bawat Pilipino.

Facebook Comments