Doktor, nakasagasa ng parking attendant sa Maynila

109

Isang 67-year-old na doktor ang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide matapos na aksidente niyang mabundol ang isang parking attendant sa kanto ng Taft Avenue at T.M Kalaw sa Ermita, Manila.


Nabatid na tumatawid ang biktimang si Jimmy Castro nang masagasaan ni Dr. Apolinario Tablan, Jr., isang Neurologist at residente ng Las Piñas City.

Lumalabas sa imbestigasyon na naka-green ang ilaw ng traffic light ng magtuloy-tuloy ang sasakyan ni Dr. Tablan.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima na siyang naging dahilan ng kamatayan nito.

Nakunan pa ng video ng dash camera ang pangyayari.

Nasa kustodiya na ng Manila Traffic Bureau ang doktor.

Facebook Comments