Doktor ng senado, puwedeng sumuri kay suspended Mayor Alice Guo

Inalok ni Senate President Chiz Escudero kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang doktor ng Senado na pwedeng sumuri sa kanyang mental health.

Kasunod nito ay ang pahayag ni Atty. Stephen David, legal counsel ni Guo, na tumatanggi ang mga doktor na isyuhan ng medical certificate si Guo dahil natatakot ito na maipatawag sa Senado.

Magkagayunman, duda si Escudero na walang makuhang doktor na pwedeng sumuri kay Guo.


Ayon kay Escudero, maaaring magpadala ng doktor ang Senado para sumuri sa kalusugan at kalagayan ni Guo.

Aniya, kung medical reason ang ibibigay na dahilan ni Guo sa hindi pagdalo sa pagdinig ng Senado, ay kailangan niyang magprisinta ng medical certificate para dito.

Iginiit pa ng senador na kailangang humarap ni Guo sa pagdinig bukas, sa gusto man niya o hindi, dahil mayroon nang subpoena na ipinadala sa kanya.

Facebook Comments