Doktor, pina-breastfeed ang sanggol na comatose ang nanay

1628

Isang doktor sa Malaysia ang nagkusang-loob na i-breastfeed ang tatlong buwang gulang na sanggol na ang nanay ay nasa coma, ayon sa Metro Ahad.

Hindi nagdalawang-isip tumulong si Dr. Siti Nur Aqilah Mohd Khairul Adnan, nang mabalitaan niya ang sinapit ni baby Farah Hanis na isinilang sa pamamagitan ng Caesarean.


Buntis pa noong Disyembre nakaraang taon, nang ma-comatose ang nanay ng bata na si Kamareeah Arwae, dahil sa brain tumor.

“It has been two weeks since Farah Hanis became my ‘daughter’,” ani Dr Siti Nur Aqilah.

Si Dr Siti Nur Aqilah ay mayroon ding limang buwang gulang na anak na lalaki.

Facebook Comments