Doktor sa US, patay matapos umanong atakihin ng mga mababangis na aso

744
(Unsplash)

Patay na ng matagpuan ang isang doktor mula Georgia, US matapos umanong atakihin ng isang grupo ng mababangis na aso.

Sabi ng mga awtoridad, narekober ang katawan ni Dr. Nancy Shaw bandang alas 3 a.m. noong Huwebes matapos makita ang kanyang sasakyan na umaandar pa ang makina at nakabukas ang pinto.


Maling ruta raw nag nadaanan ng naturang doktor.

Nang kanila raw imbestigahan ay saka nakita ang bangkay ng doktor sa isang kanal malapit sa lugar.

Samantala, nakumpirma naman sa autopsy na namatay ang ginang mula sa pag-atake ng mga ligaw at mababangis na hayop na patuloy nang pinaghahanap ng mga pulis.

Labis naman ang pagdadalamhati at pangungulila ng mga kaanak at kaibigan ni Shaw na isang internist sa Meadows Regional Medical Center.



Inalala rin ng mga pulis sa lugar ang madalas nitong pagtigil sa kanilang istasyon para lang siguruhin sila ay nasa maayos na kinalalagyan.

Facebook Comments