Doktor sinuntok ang pasyenteng nagwawala

Screengrab via ANI

Kumakalat ngayon sa social media ang bidyo ng isang doktor mula sa India na sinasapok ang isang pasyenteng naka-confine sa Sawai Man Singh (SMS) Medical College.

Sa Twitter post ng Asian News International (ANI), mapapanood ang doktor na sinusuntok ang lalaking nakasuot ng puting sando. Sinipa ito ng pasyente bilang ganti ngunit hindi nagpatinag ang manggagamot.

Ilang minuto tumagal ang away bago naawat ng mga medical staff.


Ayon sa pamunuan ng ospital, dinala sa kanila ang pasyenteng si Mubarik, 30 taong gulang, dahil sa gastritis. Nung tinitignan na siya ng mga doktor, bigla ito naging bayolante. Sinubukan siyang pakalmahin ng ibang medical staff at mismong kamag-anak pero nabigo sila.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Rajasthan Health Department ukol sa pangyayari.

 

Facebook Comments