Dokumentado at May Resibo ang mga Ibinalik na Pera – Cauayan CSWD

Cauayan City, Isabela – Tiniyak ng City Social Welfare and Development Cauayan City na may resibo at well accounted ang lahat ng perang kusang ibinalik ng mga unang nakatanggap.

Ito ay bilang pang pawi sa agam agam at tanong ng marami kung ano ang manyararari sa mga pondong ibinalik ng mga indibidwal na maituturing na hindi karapat dapat na tumanggap sa kadahilanang mas may kakayahan kumpara sa iba o hindi kasama sa tinatawag na poorest of the poor.

Ayon kay Cauayan CSWD officer Mrs. Lolita Menor, sa treasury office ng lungsod ibinabalik ang pondo at agad agad binibigyan ng official receipt ang mga nagbabalik. Dagdag pa ni Menor, maliban sa mga kusang ibinalik, kasama rin dito ang mga aktuwal na na disqualify sa mismong pamimigay ng ayuda, mga na double entry at maging ang mga benepesaryong nauna na o may natanggap na mula sa iba pang programa ng pamahalaan tulad ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ng Department of Agriculture, COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)-Barangay ko, Bahay Ko (BKBK) ng DOLE.


Kasabay nito, muling nagbabala ang CSWD na talagang blocklisted na o hindi na maaaring makatanggap pa ng ayuda mula sa pamahalaan ang sinumang kasapi ng 4P’s na hindi magbabalik kung may natanggap silang ayuda mula sa SAP.

Facebook Comments