Dokumentong hawak ng Ombudsman kaugnay sa bank accounts ni P-Duterte, tinawag na peke ni Secretary Panelo

Manila, Philippines – Tinawag na peke ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang isinapublikong Dokumento ni overall deputy Ombudsman Arthur Carandang na umano’y bilyong pisong account ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos itanggi ng Anti-Money Laundering Council na galing sa kanila ang mga dokumentong isinapubliko ng Ombudsman.

Ayon kay Panelo, ibig sabihin nito ay hindi totoo o peke ang mga dokumentong hawak ng Ombudsman na isinapubliko nito na sinasabing galing umano sa AMLC.


Sinabi ni Panelo na naging kabahagi pa ni Senador Antonio Trillanes IV si Carandang na magpaklat ng maling balita at impormasyon o fake news.

Pero sakali naman aniyang totoo ang mga dokumento ng Ombudsman ay mali pa rin ang ginawa nito na ilabas sa publiko ang kanilang ginagawang imbestigasyon na labag sa Code of Conduct and Ethical Standard of Public Employees and Officials.

Facebook Comments