Dokumentong nagpapaliwanag sa mabilis na transmission ng voter turnout noong 2022 elections, isusumite ng COMELEC sa Kongreso ngayong linggo

Inaasahang isisumite na ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong linggo sa Joint Congressional Oversight Committee ang mga dokumentong nagpapaliwanag sa mabilis na transmission ng resulta ng 2022 elections.

Sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang mga naturang dokumento na nasa pangangalaga na ni Commissioner Marlon Casquejo ay nakapokus kung paano isinagawa ang eleksyon matapos ang final approval at authorization ng COMELEC en banc.

Siniguro naman ni Laudiangco sa publiko na ang lahat ng datos ng hinihingi sa kanila ay ibibigay ng komisyon.


Mababatid na pinagpapaliwanag ng ilang dating opisyal ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at ni dating Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr., ang COMELEC hinggil sa mabilis na transmission ng May 2022 national and local election results na nagpapahiwatig umano ng iregularidad.

Una nang sinabi ng COMELEC ang mas mabilis na pag-transmit ng mga resulta ay bunsod ng mas magandang pasilidad para rito.

Facebook Comments