Cauayan City, Isabela- Handa nang ipatupad ng DOLE Region 2 ang utos ni Pangulong Duterte na wakasan ang gawain ng ibang employer lalo na sa mga pribadong kumpanya na nagpapatupad pa rin ng 555 o Endo.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni DOLE Regional Information Officer Regienald Estioco sa RMN Cauayan kaninang umaga.
Aniya, Mayroon pa umanong kumpanya ang nagpapatupad pa rin ng 555 o Endo kung saan hindi na pinapaabot sa anim na buwan ang isang empleyado upang hindi ito maregular.
Ayon pa kay ginoong Estioco, wala pa umano silang kopya ng Executive Order na pinirmahan ng Pangulo kahapon subalit aniya, kung ano man umano ang laman ng kanyang pinirmahan ay handa umano nila itong ipatupad dito sa rehiyon.
Bukod dito ay titignan na rin umano nila ang mga pasahod sa mga magsasaka na dapat ay nasa tatlong daan ang kanilang minimum na sahod kada araw.
Ipinabatid din ni Ginoong Estioco na Mayroon ng mga kumpanya sa lambak ng Cagayan ang sumunod sa regularisasyon at kung mayroon man umanong empleyadong gustong magreklamo ay pwede umano silang tumawag sa kanilang hotline upang maipaabot sa kanilang Regional Director para masuri ang inirereklamong ahensya.