Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na kailangan ng panukalang 4-day work week bill.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello – mayroon nang department order na inisyu noong 2004 na nagsasaad ng guidelines para sa compressed work week scheme.
Sa ilalim aniya nito, maaring mamili ang employers kung ipapatupad ito.
Ani Bello, hindi naman sila inimbitahan sa deliberasyon ng Kamara sa house bill 6152 na lumusot na sa huling pagbasa.
Sa ilalim ng panukala maaring hilingin ng empleyado na gawing apat na araw ang trabaho pero dapat makumpleto ang 48 working hours sa buong linggo.
Facebook Comments