DOLE, aminadong maliit na ang P537 na minimum wage sa NCR; hirit na dagdag umento sa mga manggagawa, kailangan pang pag-aralan!

Kailangan pag-aralan at timbangin muna ang sitwasyon.

Ito ang sagot ni Labor Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa hirit ng ilang labor groups na itaas na sa P750 ang minimum wage sa National Capital Regional kasunod na rin ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa sunod-sunod na oil price hike.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Bello na bagama’t aminado siyang maliit na ang P537 minimum wage sa Metro Manila, may mga kailangan pa ring ikonsidera sa hirit na dagdag umento.


Paliwanag ni Bello, ang adjustment sa minimum wage ay nakadepende sa assessment ng regional wage board kung saan kailangan aniya itong pag-aralan mabuti at ikonsidera ang kapasidad ng isang kompanya na magtaas ng sweldo.

Kasabay nito, tiniyak ni Bello na taon-taon naman ay nagsasagawa ng assessment ang wage board sa bawat rehiyon at nagrerekomenda kung kinakailangan ang wage adjustment.

Facebook Comments