Manila, Philippines – Inamin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mismong sa loob ng kanilang tanggapan ay may kontraktwalisasyon.
Taliwas sa inilalaban na pagbuwag sa end of contractualization ng gobyerno, inamin ni Bello sa pagdinig ng budget ngbahensya sa Kamara na aabot sa 686 ang empleyado ng DOLE na naka job order.
Dahil dito, nakwestyon ang DOLE ng MAKABAYAN kung wala bang balak ang ahensya na i-regular ang mga ito.
Paliwanag ni Bello, problemado sila sa pondo para gawing regular ang mahigit anim na raang tauhan ng ahensya.
Humirit naman ng dagdag na pondo ang DOLE para makapag-hire ng dagdag na Labor Laws Compliance Officer o LLCO para mabantayan ang pagsunod ng mga negosyante sa anti-endo policy.
Dahil sa kampanya kontra endo, iniulat ni Usec Joel Maglungsod na may 63,000 ng mga empleyado ang naregular mula nang ilabas ng Dole ang utos laban sa endo habang mayroon pang 22,000 na ipino-proseso pa lamang.